********WELCOME..!!********

Welcome to all...
This is an blogsite for the IV-HUMILITY...
This blogsite is created due to request of my classmate...
For those absent.. I Provide a Assignments Area, that can be found on LABELS..!






-blogsite creator:
Hajie :) peace

Sunday, August 7, 2011

EL FILIBUSTERISMO (Script: Kabanata: 1-20)

EL FILIBUSTERISMO (Script: Kabanata: 1-20)

Kabanata 1: Sa Kubyerta

Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay hirap na hirap sa pagsalunga sa agos ng paliku-likong ilog ng Pasig. Naghahatid ito ng maraming manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna.Totoong mabigat ang bapor, halos mabilog tulad ng isang tabo na pinaghahanguan ng pangalan nito. Ito ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat niyari sa ilalim ng pamamahala ng mga Reverendos at Ilustrisimos. 
Narooron sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim na buhok, mga Indio, mga Intsik, at mga mestiso. Samantalang nasa itaas naman ng kubyerta na naliliman ng lona upang hindi mainitan ng araw ang mga mangilan-ngilan na manlalakbay na nakasuot ng Europeo, mga prayle, at mga opisyal na naka-upo sa mga maginhawang silyon at ang nag-iisang ginang na si Doña Victorina.

Kapitan: “Babor!”…..”Estribor!”…
Doña: “Ngunit kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na timonero?”
Kapitan: “ Sapagkat nakapababaw po roon ginang.” (sabay kindat)
Donya: “Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?”
Kapitan: “Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.”
Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong paksang pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang.

Salvi: “Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham, Ben Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham. Ayon sa pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan nyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay. Hindi pa nagigiba ng baha at lindol.”
Camorra: “Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang Puente del Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre salvi!.

Salvi: “Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre Camorra. Ang sama ay nasa lawa.”
Dona: “mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.
Simoun: “Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang sinumang nakaisip nito. Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang pera Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. At maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog.
Ben: “ Isang panukalang Yankee!”
Custodio: “Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di ka sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang masisira.”
Simoun: “Pwes, sumira!”

Custodio: “ At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”
Simoun: “Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.”
Custo: “Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun.”’
Simoun: “Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata. Pagtrabahuin sila ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa sapilitang paggawa, Papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan.”

Custo: “Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng isang panukalang orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang putik at buhangin sa gulud-guluran ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi ito makapagbibigay….nito!”

Salvi: “Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala?”
Custo: “Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay tahimik kayo……Nakakita na ba kayo ng pato?”
Ben: “Palagay ko’y nakapamaril ng mga iyan sa lawa.”
Custo: “Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik na inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito?”

Camorra: “ Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang malaman yan! Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata!”
Custo: “Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?...Kung matagal kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga iyon sa gulud-gulurang kahalo ng mga buhangin.”
Camorra: “ At ang inyong panukala?”

Custo: “ Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit sa gulud-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano magpapalalim sa gulud-guluran ng mga buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga suso. Iyan ang panukala ko.”
Ben: “Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an gang nag-iisip sa baying ito.”
Donya: “Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang balut! Hu! Nakakadiri! Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.”

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay ang mga prayle, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio.
Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?
Basilio: Tulad ng dait, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiyago.
Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamot na iyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito’y hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga mag-aaral.
Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, mauna na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.
(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.
Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming kailangan.
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

Kabanata 3: Mga Alamat
Custo: “ Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!”
Simoun: “Ay, naku, marami na akong nakitang mga ilog at mga tanawin. At ngayon ang may kabuluhan na lang sa akin ay ang mga alamat.”
Kapitan: “Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na Batumbuhay noon bago pa man dumating ang mga Kastila at diumano’y tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala ang pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan alamat, ang tungkol sa kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre Florentino.”

Flor: “Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang dalagang kababayan. Subalit ang mag-aaralk ay nakalimot at ang dalaga’y naghihintay habang lumilipas ang panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila ang kanyang hinihintay at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa ang arsobispo ng kweba para sa kanya. Dito sya nanirahan hangga’t mamatay at ditto na rin siya inilibing.”

Ben: “Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!”
Simoun: “Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na inilagay ng kanyang kamahalan si Donya Geronima sa beateryo, halimbawa gaya ng sa Sta. Clara, sa halip na bigyan siya ng isang kweba?...Dahil hindi pagiging maginoo ang pagbibigay ng tahanang bato sa isang binigo ang pag-asa. Higit na mabuti pa siguro kung ikulong siya sa Sta. Clara at dalawin na lamang ng paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo? Kayo na humalili sa arsopbispo. Ano sa ang gagawin nyo kung mangyaring sa inyo ito mangyari?

Salvi: “Ah Hindi ko mahahatulan na di dapat hatulan ang ugali ng arsobispo at pagsasayang lamang ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Ngunit dahil sa pinag-uusapan natin ay mga alamat, hindi nyo dapat limutin ang nauukol na milagro ni San Nicolas na pinakamaganda at pinakatotoo na marahil ay hindi pa naririnig ni Ginoong Simoun. Tila noong unang panahon nag ilog, ganoon din ang lawa, ay pinaninirahan ng mga malalaki at masisibang buwaya na tinataob ang mga Bangka sa pamamagitan ng pagpalo lamang ng buntot. Isang araw, may isang demonyo na nag-anyonh buwaya ang nagpataob sa Bangka ng isang intsik. Sa takot ng intsik, nanalangin sya kay San Nicolas. Dininig naman ng Santo ang panalangin ng intsik at ginawang bato ang buwaya.”

Ben: “Kahanga-hanga, talagang kahanga-hangang alamat! Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, saan dyan sa lawa napatay ang isang nagngangalang Geuvarra – Navarra – Ibarra?”
Kapitan: “Tumingin kayo roon. Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na syang masukol ay tumalon sya mula sa Bangka at sumisid nang mahigit dalawang milya. Nang lumitaw ang kanyang ulo ay itinataguyod siya ng mga bala hanggang sa makita nila na pumula ang tubig dahil sa dugo. Hustong labintatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon.”

Ben: “Kung gayon ang kanyang bangkay?”
Sibyla: “Nakasama na sa kanyang ama. Hindi ba’t isa rin syang pilibustero, Padre Salvi?”
Ben: “Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?”(nakatawa)
Camorra: “ Lagi ko ngang nasasabi, na hindi mo maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon ng marangal na libing.” (habang tumatawa din)
Ben: “ Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?! Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?”
Kapitan: “Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin. Ang lawang ito ay higit na malakisa alin mang lawa sa Switzerland o lahat ng lawa sa Espanya pagsama-samahin man. Nakakita na ako nang mga sanay na mandaragat na nangahilo dito.”

Kabanata 4: Kabesang Tales
Selo: “Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa magbayd ka ng sampung taon sa mga paring dayuhan. Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila ng mga misa. Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpong piso mo sa sugal. O kaya’y nahulog sa ilog at kinain ng mga buwaya.”
Masagana ang naging ani at naibenta sa mabuting halaga. Nakapagpagawa na ng bahay na gawa sa tabla na siyang pinapangarap ng pamilya ni Tales. Itinaas muli ng mga prayle ang buwis sa iba’t ibang kadahilanan. Binayaran na lamang ni Tales ang buwis upang maka-iwas sa gulo.

Selo: “Magtimpi! Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya!”
Nang unti-unting bumuti ang pamumuhay nila Tales any inatasan siya bilang pangunahing maniningil ng buwis sa baryon g kanyang mga kababayan. Tinawag na rin siyang Kabesang Tales. Upang maiwasan ang di pag-uunawaan sa mga prayle ay nag-aabono na lamang siya mula sa sariling lukbutan kapg kinukulang ang kanyang nakokolekta.

Selo: “Magtimpi! Isipin mo na lamang na nagsidatingan ang mga kamag-anak ng mga buwaya.”
Pingarap ng mag-ama ang papag-aralin ang talong anak ni Kabesan Tales sa susunod na taon. Subalit hindi na dumating ang susunod nation at itinaas na naman ang buwis sa lupa hanggang umabot sa dalawang daan ito. Tumutol na si Kabesang Tales at nagreklamo na hindi na niya kayang bayran ang ganoon ka taas na halaga. Binalaan siya ng mga prayle na kapag hindi nakapagbayad ayibang tao ang paglilinangin ng kanyang lupain dahil marami ang may interes sa lupain na nag-aabang lang. 
Akala ni Kabesang Tales ay nagbibiro lang ang mga ito subalit hindi pala, katunayan ay bumanggit siya ng isa sa mga utusan na hahalili kung sakali. Ang kaawa-awang si Tales ay namutla at para niyang nakita ang kanyang asawa’t anak na naghihingalo. Naalala niya ang pagtullo ng kanyang pawis sa lupain; nakita nya ang kanyang sarili na nagsasaka sa kainitan ng araw habang ang mga prayle ay nakasakay sa mga karwaheng sinusundan pa ng mga alipin ng kanyang kapalit. Hindi siya makapapayag na angkinin nito ang kanyang lupaing pinaghirapan. Sa galit ni Kabesang Tales ay siya ay naghimagsik. Tumanggi siyang magbayad kahit ni isang pera hangga’t hindi nakapaghaharap ng malinaw na dokumento na ito nga ay sa mga prayle. Ng walang maipakitang mga dokumento ang mga prayle ay nakarating sa korte ang kaso.
Tales:
“Napaglingkuran at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng aking salapi at lakas. Ngayon nama’y hihingi ako sa kanya ng katarungan at kailangan ay ibigay niya ito sa akin.”
Sa kasamaang palad ay naubos ang kanyang pera sa pagbabayad sa mga mapagsamantalang abogado, eskribano, ahente at mga opisyal. Pinanigan ng hukom ang mga prayle dahil na rin sa katigasan ng ulo ni Tales. Ang kanyang anak na si Tano ay nahirang na magkawal. Makalipas ang anim na buwan ang nanbalitaang siya ay ipinadala sa Carolinas. Tatlong araw na hindi lumabas si Tales sa kanilang bahay. Nang lumabas ito ay may bitbit na baril. Sa takot ng mga tao na siya ay my balak patayin, pinag-utos ng kapitan heneral na ipagbawal ang pagdadala ng baril. Isinuko naman ni Tales ang kanyang baril ngunit pinalitan naman ito ng mahaban itak. Isang gabi habang nagbabantay si Tales sa kanyang lupain, nabihag siya ng mga tulisan at humingi ng limandaang piso kapalit ng buhay nito.
Napagpasyahan ni Juli na ipagbili lahat ng kanyang mga alahas maliban sa laket na may brilyante at Esmeralda na bigay ni Basilio sa kanya subalit hindi pa rin ito nakaabot ng limandaan. Walang nagawa si Juli kundi ang magpa-alipin na lamang sa isang matandang mayaman para lamang makuha ang kinakailangang salapi. Inalala ni Juli ang kanyang sasapitin kinabukasan bilangn isang utusan at ang sasabihin ni Basilio. Wala syang magawa kundi ang manalangin sa birhen na gumawa ng milagro. Nakatulugan na nya ang isiping iyon dahil na rin siguro sa dalamhati at pagod.

Kabanata 5: Noche Buena ng isang kutsero
Kutsero: “Noong kapanahunan ng mga Santo, walang maraming guardia civil pagkat kung may nang-aapi ay hindi mabubuhay ng ganyan katagal ang mga taon iyan. (sabay turo sa mga imahe) Wala talagang guardia civil noon. Kung mayroon, ang maitim na lalaking iyon ay hindi makasasabay sa dalawang Kastila sapagkat mabibilibid siya.”….”Kung makakawala lamang ang paa ni Haring Bernardo, ibibigay ko sa kanya nag aking mga kabayo, magpapa-alipin at magpapakamatay ako sa kanya dahil siys ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia civil.”
Kapitan: “Areglado Ginoong Simoun. Pupunta kami sa Tiyano upang makita ang iyong mga alahas.”
Alperes: “Pupunta rin ako. Kailangan ko ng relo ngunit napakarami kong inaasikaso. Kung maikukuha mo ako ng isa Kapitan Basilio.” (sabay bigay ng pera kay Kapitan)
Kapitan: “Hayaan ninyo na maging pamasko ko na ito. (tinanggihan ang pera) Bueno, maaari nating pag-usapan iyan pagkatapos.”
Kura:
“Ako rin, gusto ko ng isang pares ng hikaw na mataas na uri. Mamaya na rin natin pag-usapan pagkatos.”
Kapitan: “Huwag kang mag-alala padre.”
Tumuloy na sa bahay ni Kapitan Tiyago si Basilio at nakipamalita kay Kapitan Tiyago.
Tiyago:
“Isang kasama natin ang namatay. Ang matandang lalaki na katiwala natin sa gubat. Namatay ito sa katandaan. Ayaw pumayag ng kura ng pangmahirap na misa dahil mayaman naman daw ang kanyang panginoon. 
Basilio: “Wala ba kayong magandang maibabalita sa akin? Nawawalan ako ng gana sa aking mga naririnig. May balita ba kayo tungkol sa Sapang?”
Sinabi ng matanda ang tungkol sa pagkabihag ni Kabesang Tales. Hindi umimik si Basilio at nag-isip ng malalim hanggang sa nawalan na nga sya ng ganang kumain.

Kabanata 6: Si Basilio
Basilio: Inay, matagal ko na pong hindi nadadalaw ang iyong puntod. Naaalala ko pa kung anong klasing trahedya ang nangyari sa atin noon. Buti nalang ay nakilala ko si K. Tiyago sa Maynila…
Ang Nakaraan…
K.Tiyago: Basilio, papatirahin kita sa amin at pag-aaralin sa San Juan De Letran.
Basilio: Maraming salamat po. Mag-aaral po ako ng mabuti upang bayad sa iyong kabutihan K.Tiyago.
Basilio: (nagsasalaysay) Lumipat ako sa Ateneo dahil mas maganda ang trato nila sa mga estudyante.
Sa eskwelahan…
Propesor: Aba, Basilio. Napakagaling mo. Pagbutihin mo yan at magiging magaling kang doctor baling araw.
Basilio: Opo. Makakapagtapos na rin po ako ng medisina.
Nagsasalaysay si Basilio…
Basilio: Kapag nakatapos ako, papakasalan ko si Huli. Inay, sana nandito ka at nakikita mo ang katuparan ng aking mga pangarap…

Kabanata 7: Si Simoun
Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego . Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng iba’t ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego , lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.
Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking nagngangalang Crisostomo Ibarra ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Dito’y pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.)
Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?          
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na!
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: Isang nakmamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil ditto ay maaari kang masawi sa aking kamay?
Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun.
Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan!
Basilio: G. Simoun! Noo’y hinatulan kayong filibustero at dahil doo’y kayo’y napakulong, muli ba ninyo itong hahayaang mangyari?
Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan sa loob ng gubat na ito.
Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.
Simoun: Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali!Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!
 Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.
Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang bese ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na ako’y nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya ditto ay ang katuparan ng aking mga plano . Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabya nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!
Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor.
Simoun: at ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kayak o bang silang iapglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
Simoun: At kung ibibigay ko sa’yo ang aking tulong?
Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti.
Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang bahala ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw pa ang kanilang kamumuhian!
Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin?
Simuon: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahi kahit ihayag mo iti’y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon nam, kkung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay anng mahihina at matira nag mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

Kabanata 8: Maligayang Pasko
H.Penchang: Huli pwede ka ng magsimula bukas.
Huli: Pero pasko po bukas.
H.Pechang: Kung ganoon, ibalik mo na lamang ang perang pinahiram ko sa iyo.
Huli: Sige po. Pupunta po ako ulit ditto bukas.
Araw ng Pasko..
Huli: Lolo, aalis nap o ako. Maligayang pasko po.. (paalis na ng bahay)
Malungkot si Tandanag Selo, napipi siya.

Kabanata 9: Ang Mga Pilato
Babae: Hay, nalaman mo na bang napipi si Tandang Selo.
Babae2: Ay, oo. Kawawa naman siya.
May dalang baril si Tales. Hinahabol ng Alperes at ng mga gwardiya sibil.
Tales: Lupa ko ito! Walang maipakitang mga papeles ang mga prayle na sila ang may-ari. Nasaan ang pruweba niyo? Akin ito. Hinding hindi ako magbabayad.
Alperes: Matigas ka talaga Tales!
Dumating ang mga tulisan at dinukot si Tales..
Tales: Saan niyo ako dadalhin?
Tulisan: Sumama ka na lang! Kailangan kang tubusan ng iyong kaanak para makauwi.
Huli: Babayaran ko na po. Pakawalan niyo po ang aking ama.
Samantala, sa bahay ni Hermana Penchang.
H.Penchang: Huli, tuturuan kita magbasa at magdasal. Aralin mo ang mga librong iyan. Humiling ka na matubos mo ang iyong ama.
Huli: Opo, maraming salamat po.
H.Penchang: Dapat lagi kang nagbabasa ng mga dasal para biyayaan ka ng Diyos.
Bumisita si Basilio..
Huli: Basilio, nandito ka pala
Basilio: Kamusta ka na dito?
Huli: Ayos lang naman ako.
Basilio: Hayaan mo, nag-iipon ako para mabayaran ang utang mo kay H.Penchang.
Huli: Salamat Basilio.

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Simoun: Kabesang Tales narito ako para magbenta ng mga alahas.
Tales: Pasensya ka na ngunit wala akong pera.
Simoun: Ayos lang po yon. Ipapakita ko na lamang sa inyo ang aking rebolber.
Sinang: Magkano po yung kwintas? Napakaganda naman nito.
Simoun: Para sa iyo, ibigay ko sa murang halaga.
Sinang: Salamat.
Nakita ni Simoun ang alahas ni Maria Clara na bigay ni Basilio kay huli..
Simoun: Napakagandang kwintas! Saan galing ito?
Tales: Sa anak ko ito.
Sinoun: Ahh, ganoon ba? Ipagpapalit ko an gang kahit anong brilanteng magustuhan mo, kaalit ng kwintas na iyan.
Tales: Hindi po pwede Ginoong Simoun. Sa anak ko po ito. Pasensya nap o.
Simoun: Ayos lang po iyong. Sige po. Matutulog na po ako.
Umalis si Simoun..
Tales: Kailangan kong gumanti sa mga prayle para sa aking anak…
Pagkagising ni Simoun.
Simoun: Nasaan na ang rebolber ko? Ano ito? Isang liham galing kay Tales.
Ito ang kwintas kapalit ng rebolber.

KABANATA 11
Mangangaso dapat yung kapitan hen. Pero dahil sa natatakot siyang mapahiya pag wala siyang napatay, ay mas ginusto na niyang umuwi nalang. Bumalik sila sa Los Banos
Kap Hen: mabuti pa ang mga pangasuhan sa Espanya! Napakaganda! Samantalang ang nandito sa Pilipinas ay pawang walang kwenta!
2nd scene: Nasa bahay sila ng Kap. Hen.  Naglalaro ng baraha si Padre SIBYLA, CAMORRA, AT IRENE ATA NG KAP.
Kap. Hen: hahaha! Talagang napaka bait saakin ng tadhana! Sineswerte talaga ako!
(habang nagsasaya ung kap. Nagtitinginan si IRENE at SIBYLA dahil ang totoo ay pinagbibigyan nila ang kap.)
Sa SALAS ay nandun si DON CUSTODIO, PADRE FERNANDEZ at isang KAWANI (nagkwekwentuhan sila)
Tapos sa TABI nun.. andun sina Simoun at Ben Zayb na masayang nagbbibilyar (humahalakhak)
Padre Camorra: ABA! Akala niyo ata, namumulot ako ng pera! Nagagalit na ang mga Indio sa pagbabayad ng buwis,” (tapos AALIS siya)
Kap. Hen.: Simoun, halika’t sumali ka saamin.
Simoun: Mga ginoo, gawin nating mas mainam ang larong ito. Kapalit ng aking mga Hiyas,ang mga pangako niyo sa pagkakawanggawa, pananalangin, at kabaitan. Ikaw P. SIBYLA ay limang araw kakalimutan ang pagkakawang gawa, karalitaan, at pagkamasurin, ikaw naman P. IRENE ay liliutin ang kalinisan ng ugali, ang pagkamaunawain, at ipa ba. At ang sainyo naman ho Kap., ay ang paguutos ng pagbabaril sa isang bihag habang pinaghahatid-hatiran.
P. IRENE: Ngunit G. Simoun, ano ang mapapala ninyo sa mga panalo ng kabaitan sa bunganga, at mga buhay ng tao, ang pagpapatapon at ang mga pagpatay?
Simoun: A! Marami! Ako’y sawa na sa karirinig ng mga kabutihan at hangad ko’y maipon lahat ng nakakalat sa daigdig, mailagay sa isang sako upang itapon sa dagat kahit nag awing pabigat ay ang akong mga brilyante. Lipulin ang masama at linisin ang bayan!
P. Irene: ah, ika’y may galit sa poot sa mga tulisan di po ba?
Simoun: Wala sa mga tulisan sabundok ang sama kundi nasa tulisan sa loob ng bayan at mga lungsod.
P. SIbyla: hindi ba’t may nagpanukala na gawing paaralan ang mga sabungan? Pero merong tumutol dahil nagbabayad daw ng apatnaraan at limampung libong piso ang nagpapasabong ng wakng kahirap-hirap.
Kap: Isasara ang mga paaralan para pasugalan? Magbibitiw na muna ako! May binabalak ako ukol diyan.
(may magbabanggit tungkol sa AKADEMIYA NG WIKANG KASTILA)
P. Sibyla: tsk! Yun ay isang tahimik na pag-aalsa.
Simoun: kahina-hinalang kahilingan.
Kawani: BABANGGITIN NIYA ANG TUNGKOL KAY HULO AT SA KANYANG INGKONG.
P. Camorra: SInasabi ko na ngaang mayroon akong bagay na dapat sabihin sa Heneral kaya narito ako… upang katigan ang pakiusap ng batang iyon.
Kap: palayain ang matanda. Hindi nila masasabing hindi ako marunong maawa.



Kabanata 12
JUANITO,PLACIDO,ISAGANI,PAULITA,HERMANA,PADRE MILLON
Tauhan1: Hindi ba’t si Placido yun?
Tauhan2: Alam niyo ba kung san siya nag-aaral?
Tauhan3: Ang balita ko nag-aaral yan sa UST e… at nasa ikaapat na taon na siya ng Bachiller en Artes.
Tauhan1: Yan ang pinakamatalinong estudyante ni padre Valerio.
(naglalakad si Placido tas dadating si Juanito Pelaez tas tatapikin yung likod ni Placido na ikinainis ni Placido.. May ibubulong si Juanito kay Palcido tapos tatawa siya)
Juanito: Wala siyang magagawa. Isang utos lang ay maipabibilanggo ang ama, asawa o kapatid. Napakatanga niyang si Basilio! Aanhin niya ang isang babaeng walang pera at isang alila napakasungit nita ngunit maganda balang araw ay matutulad din siya sa iba. (tatawa)
Juanito: Ano kasi yung tinuro kahapon? Ang tagal naman kasing walang klase e!
Placido! Magbayad ka nga ng tatlong piso! O apat na piso na! may pera ka naman pala e!
(tas dadating si Paulita Gomez—FAITH tas dadating din si Isagani—shob..babatiin ni isagani si paulita..)
Tadeo: Ang ganda naman niya! Sabihin niyo nalang sa propesor na may sakit ako, susundan ko lamang ang napakagandang babaeng yon!
(may lalapit na estudyante)
Estudyante: pirmahan mo ito agad, ito ay isang protesta sa kahilingan nila makaraig sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila.
Tadeo: Di ko maaring pirmahan yan.. Hindi ako maaring pumirma sa anu mang hindi ko nauunawaan at ayoko ring labanan si Makaraig.
(tas papasok na si Placido)
Padre Millon: wala kang galang! Magbabayad ka rin sakin!

Kabanata 13
Scene: may natutulog na estudyante sa klase ni padre Millon (Mangi)
P. Millon: Hindi mo alam ang leksyon ano?! TAMAD!
(tas tumayo si Mangi)
Estudyante: Ang salamin ay anu mang makinis na bagay sa ibabaw na ginawa upang Makita ang anumang Makita nag iharap ditto. Nahahati ito sa dalawa, salaaming metal at salaaming bubog.
P. Millon: kung ika’y bibigyan ng kaputol na kahoy at masisinagan ng larawan ng mga bagay na ilalagay sa harap, saang bahagi mo ilalagay ang bawat isa?
Estudyante: Marahil ay sa bandang itaas!
P. Millon:Ang layo ng sagot mo!
Juanito: (pabulong) ang salaaming kamagong kasama ng salaming kahoy!
(tas tatawa ung buong klase)
P. Millon: Ikaw Placido, hindi kita tinatanong ngunit ibig mong sagipin ang iba. Tumayo ka’t ikaw ang sumagot sa aking mga katanungan.
(tas magsagutan na lang kayo nun)
P. Millon: Mas mainam ang tawag sa iyo na Placidong bulong! Labinlimang araw na liban! Isa pa at magbabakasyon ka na!
Placido: ngunit apat na araw pa lang akong liban.
P. Millon: Sa tuwing liliban ka ngisang araw, lima ang katumbas. Ilang ba ang limang makalima?
Placido: Dalawampu’t lima po
PM: 3 beses pa lamang kitang nahuli.Ilan ang talong lima?
PP: labing lima po.
PM: kapag lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit dahil di mo alam ang leksyon ngayon.
PP: alaisin niyo na lahat ng marka ko sa araw na ito!
PM: ABA! At bakit?!
PP: hindi ko po maisip kung pano ang wala rito ay makapag uulat ng leksyon.
PM: hindi ba pwedeng liban sa klase pero alam ang leksyon?
(tas Ihahagis ni placido (jeco) yung libro sa harap ng guro
PP: sige! Ilagay mo na ang lahat ng guhit na gusto mo! din a ko makatiis! (galit)
(tas magwawalkout si Placido)

Kabanata 14
Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag-aalinlangan, at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal.  Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Macaraig upang ibalita sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga mag-aaral kung sa palagay ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si Pecson lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga mag-aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.
Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio, isang sangguni ngn lupon ang magdedesisyon.
Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?
Macaraig: Sinabi ko ri iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganiti, “Malaki na ang atin tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan.” Sinabi ni Padre Irene na kung tayo’y makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin ang kanyang pagsang-ayon.
Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?
Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!
Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari naming si G. Pasta an gating lapitan.
Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?
Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.
Macaraig: hindi ba’t si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon. Kilala ko ang babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindi mahalay tignan. Kakausapin ko si G. Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang ibang paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap niya kay G. Pasta.

Kabanata 15
(dumating si isagani sa opisina ni ginoong pasta)
G. Pasta: Kumusta na ang iyong amain?
Isagani: Maayos naman po ang kanyang kalagayan.
G. Pasta: Ah.. ganoon ba?
Isagani: Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming panig. Kung sakaling sumangguni sa inyo si Don Custodio. Kayo po ay lubos naming pinagkakatiwalaan.
G. Pasta: Ayaw ko makialam sa ganyang mga usapan! Oo, nangunguna ako sa pag ibig sa lupang sinilangan at naghahangad ng pagunlad ngunit di ganoon kadali sumuong. Maselan ang aking kalagayan. Marami akong ari arian. Kailangan ko ang ibayong pag iingat.
Isagani: Di po naming hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Kahit n kakaunti lamang po ang aking nalalaman sa maga batas at mga pagpapasya sa ating bayan, ipinagpapalagay ko di masamang makiisa sa mga adhikain ng pamahalaan at sikaping siya’y maalinsunod mabuti. Isa lamang po ang aming layunin, nagkakaiba lamang sa pamamaraan.
G. Pasta: Kahanga hangang kasagutan. Ngunit ako’y di nyo pa rin mapapapayag.
Binata: Isantabi mo na lang ang hakbang na iyan sapagkat yan ay sadyang mapanganib. Ang maipapayo ko ay pabayaan mo na lang gumawa ang pamahalaan.

Kabanata 16
(maraming kagalang galang na tao ang pumapasok sa tahanan ni quiroga)
Quiroga: Tuloy. Tuloy. Pumasok kayo sa aking napakagandang tahanan.
T. Pelaez: Dahil sa mga Intsik n iyan kaya ako nalugi sa aking negosyo.(galit) Walang kwenta ang kanyang mga palamuti sa tahanan. Di ito nababagay sa kanya
(dumating si Simoun.kinausap nito si Quiroga)
Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na iyong inutang?
Q: Wala na akong pera. Nalulugi na ako.
S: Babawasan ko ito kung papayag ka na itago ang mga armas na dumating. Wag ka magalala. Ililipat ito kapag mayroong pagsisiyasat na nagaganap.
Q: Sige. Papayag ako.
(naguusap sila Padre Camorra at Ben Zayb tungkol kay Mr. Leeds)
Ben Zayb: Nabalitaan nyo ba ang ulong nagsasalita ni Mr. Leeds?
Padre Camorra: Oo naman. Kung inyong gugustuhin ay maaari natin itong puntahan.
(nagpasya sila Don Custodio, Padre Salvi, Camorra, Irene, Ben Zayb at Juanito Pelaez na pumunta sa Quiapo para panuorin ang ulong nagsasalita)

Kabanata 17
Padre Camorra: Kay ganda ng mga kababaihan dito! Kailan kaya ako magiging kura rito sa Quiapo?(kinurot si Ben Zayb)
Ben Zayb: Aray!
PC: Ang ganda ng dalagang iyon! (nakita si Paulita Gomez)
(naglalakad sina Paulita Gomez, Isagani, at  Donya Victorina)
PC: Sobrang ganda talaga!
(pagkatapos nito ay pumasok sila sa isang tindahan ng mga eskultor)
PC: Kamukha ni Ben Zayb ang isang iyon oh!
Ben Zayb: Kamukha mo naman ang isang iyon. Sino naman ang kamukha ng larawang ito?(may ituturo na larawan)
PC: “La Prensa Filipina!” Ito naman ay “Ang Bayan ng Abaka”
Don Custodio: Ang mga Indio ay may kakayahan din sa paglililok.
PC: Nasaan nga pala si Simoun? Putris! Natakot ata pagbayarin natin sa palabas ni Mr. Leeds!
BZ: Baka nama’y nangangambang mapatunayan na may daya ang palabas. Makikita nyo pawing mga salamin lamang at ilusyon ang lahat.

Kabanata 18
Mr. Leeds: Pumasok kayo sa aking tanghalan. Makikita niyo rito ang ulong nagsasalita ng pawing katotohanan.
Ben Zayb: Nasaan kaya ang mga salamin?
(umupo na ang lahat at nagsimula na ang palabas)
(dumating si Mr. Leeds na may dalang kahon)
Mr. Leeds: Ito ay galing Ehipto. Natagpuan ko ito sa piramide ni Khufu. Ito ay may lamang abo at isang kapirasong papel. Sa pagbigkas ng mga salitang nasa papel ay mabubuhay ang esfinghe.
Tauhan 1: Amoy bangkay!
Tauhan 2: Amoy apatnapung dantaon!
Ben Zayb: Amoy simbahan! :D
Mr. Leeds: Deremof!
(nabuhay ang esfinghe)
Imuthis: Ipinanganak ako sa panahon ni Amasis. Galing ako sa paglalakbay sa Gresya, Assyria, at Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay nakatuklas ako ng isang lihim. Sa takot nila na ibunyag ko ang kanilang lihim ay kinasangkapan nila ang banal na batang saserdote.
Mr. Leeds: Paano ka ipinahamak ng batang saserdote?
Imuthis: Umibig ako sa anak ng isang saserdote. Ang batang saserdote ng Abydos ay umibig din dito. Gumawa ito ng kaguluhan at ako ang idiniin na may kasalanan. Ikinulong ako ngunit tumakas at nagpunta sa lawa ng Moeris pero doon ay pinatay ako. Sa kabilang buhay ay nasaksihan ko ang paghahalay ng batang saserdote sa aking minamahal! Gaganti ako! Humanda siya!
Padre Salvi: Mahabag ka! (nahimatay)
(naging abo ulit si Imuthis. Nagkaglo ang lahat ng tao)
Don Custodio: Dapat ipagbawal ang tanghalang ito.
Ben Zayb: Lalo na kung hindi ito ginagamitan ng salamin.
(kinabukasan ay sumulat si Ben Zayb ng kasulatan ukol sa mahika na naging dahilan ng pagpapasara ng tanghalan)

Kabanata 19
Placido: Nakakasar na talaga! Hinding hindi na ako babalik doon! Sinusumpa ko na ang pag-aaral!
(taspos nakita niya si Don Custodio at Sibyla)
P: e kung ihulog ko kaya tong mga to sa ilog?! Panira talaga ng araw oh!
(tas umuwi na siya)
Kabesang Andang: bakit andito ka na? hindi ba’t may kalase ka pa?
P: hindi na ko papasok!pinahiya ako sa harap ng buong klase!
KA: pero anak, nangako ako sa iyong ama na pagtatapusin kitang abogasya.. anon a lamang ang sasabhin ko sa kanya kapag kami’y nagkita?
P: Nay, lalabas muna ako saglit.
P: tatalon na lang ako sa dagat manunulisan bago ako bumalik sa pamantansan.
(nakita niya si simoun)
P: G. Simoun, maari mo ba akogn matulungang makarating sa Hongkong?
Simoun: halika’t samahan mo muna ako sa kaly iris.
(tas pupunta sila sa kastilyero)
S: ang mga pulbura?
Kastilyero: nasa mga sako.
S: ang mga bomba?
K: nakahanda na ang lahat.
S: mabuti, lumalakd kayo ngayon ding gabi at makipag usap sa tinyente sabihin ninyo ang kabesa at sasagot siya ng tales.
K: bakit po? Mayroon po bang bagong mangyayari?
S: OO, mangyayari sa loob ng linggong papasok.
K: subalit hindi pa handa ang distrito.. akala ko’y hihintayin hanggang kwaresma.
S: hindi na natin sila kakailanganin.. kapag ipinag paliban pa ay marahil paaty na si Maria Clara.
(umalis na ulit si S at P)
Pumunta na sila sa bahay ni Simoun.Tapos pagkaraan ng 2 oras, umalis si Placido.
Simoun:Sandali na lamang at magkikita na tayo.Himagsikan ang naglayo saiyo saakin.. Himagsikan din ang maglalapit satin. Nasaakin na ang tagumapay.. hindi na ako maaring umurong..(tas natulog na si Simoun) Tas nakauwi na rin nun si Placido.
P: Nay ako’y papasok na, ako na ang ang bahala sa pamamanhikan upang hindi ka na maabala.
Kabanata 20
Tauhan1: Anon na nga ba yung nangyari sa pagpasya sa Akademya ng Wikang Kastila?
Tauhan2: ang alam ko, si Don Custodio de Salazar y sanchez ydemonteredondo ang magpapasya tungkol dito.
Tauhan1: sino ba yun?
Tauhan2: siya ay ang tinatawag na BUENA TINTA. Nagging isang nilalang siya na aktibo sa pamahalaan.. Tumira pa nag siya ng panandalian sa Europa upang magpagamot, pero dahil sa hindi siya napapansin roon gaya ng atensyon na meron siya dito sa ating bansa, ay mas pinili niyang umuwi na lamang.
(papasok si Don Custodio)
DC: mga indio nga naman. Tsk tsk.. wala nang ginawang maayos at kahanga hanga! Walang angking talino ang mga Indio n adapt ipagmalaki dahil pag ganon, siguradong masasawi lamang sila.
(nasa silid ni DC ang mga tauhan, kausap ang mga pulis)
DC: wag na nating pagdamitin ang mga bilanggo ats a halip ay magbahag na lang sila para makatipid!
Kawal: tama nga ho. Napaka galing ng inyong panukala!
(nasa silid siya)
DC: ano ba yan.. anong aggwin ko? Paubos na ang aking oras sa pagpapasya.. kailangang ko na itong mapagdesisyunan!
(nakita niya ang isang libro)
DC:ah! Napakagaling ko talaga! ANG AKING PAGPAPASYA AY NATAPOS NA!!!!!

Mga Tauhan ng El Filibusterismo

Mga Tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal:Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-Zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino
Ang amain ni Isagani

Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Mga Kategoriya: El Filibusterismo
   

Buod n el filibusterismo

Kabanata 1: Sa Kubyerta
“sic itur ad astra”
Ganito ang landas ng mga Bituin


Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna:

- Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.

- Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.

- Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa.

- Donya Victorina – tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok.

Mga Nasa Kubyerta:

Tatlong Fraile –uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan

Don Custodio – payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto

Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) – isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya ay nag-iisip

Simoun – ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.

Ang Pagtatalo:

Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.

· Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas,

· Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.

Sumagot naman si Don Custodio – sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan.

Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa

Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.

Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.

- Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?

Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.

Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.



Kabanata 2: Ibabang Kubyerta

Basilio – nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit.

Isagani – higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali, karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo.

- Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio

Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para tumulong sa pagkumbinsi.

Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral


Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati

Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan

Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino.

Pakikipag-usap ni Simoun:

Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: “ napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo!”

- dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris ---si Simoun ng Kapitan Heneral

Si PADRE FLORENTINO:

Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani

Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila.


Kabanata 3: Mga Alamat

Ich weiss nich was sol les bedeuten
Dass ich so traurig bin!
“Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha kong ikinalulumbay”


MGA ALAMAT:

1. Donya Jeronima – dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpapakasal sa kanya. Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya ay tumaba nang lubusan. Isang araw nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobispo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya ito upang tuparin ang dating pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nag-utos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang katabaan daw nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada, sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak.

2. Buwaya na naging bato – nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya.

3. Alamat ng Malapad na Bato

4. Ang pagkamatay ni Ibarra


Kabanata 4: Kabesang Tales


* Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila’y wala naman itong may-ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso.

* Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.

* sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.


Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero


Sinong – ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan niya ang kanyang sedula.
Mga Santo sa Prusisyon:
Matusalem
Gaspar, Baltazar, Melchor
San Jose
Birheng nakasuot ng Divina Pastora

Kabanata 6: Basilio

Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, makalipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para kay Basilio –ang puntod ng kanyang ina.
13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas.

History ni Basilio:

Nilisan niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila upang magpaalipin sa mga mayayaman upang sabay nito ay makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta hindi alintana ang gutom. Dumating siya sa Maynila na nanlilimahid at may sakit—nagbahay bahay siya upang ialok ang kanyng paglilingkod ngunit walang tumatanggap sa kaniya dahil nga naman isa itong paslit na probinsyanong may sakit na wala man lang alam ni isang salitang Espanyol. Nawalan siya ng pag-asa at ilang ulit siyang natuksong magpasagasa na lang sa mga karwaheng dumadaan. Isang araw, nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil sa malungkot si Kapitan Tiago sa pagkakapasok ni Maria Clara sa Beateryo, tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit makapag-aaral siya kailanman niya gustuhin sa San Juan de Letran.
Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng Latin kahit na gusgustin at bihis dukha; pagkakita ng kanyang mga guro sa kanyang ayos, nilayuan na siya pati ng kanyang mga kaklase. Sa loob ng walong buwan ng pag-aaral, tangging ang pangalan niya lamang sa listahan ang masasabing palatandaan na parte siya ng klase sapagkat ni minsay ay hindi ito tinawag o tinanong ng guro.
Pag darating ang pasko at babalik sa Sandiego si Kapitan Tiago, sinasama siya at doon niya sinasabi sa puntod ng kaniyang ina ang mga hinanakit niya at problema. Nagsikap siya at isinaulo ang lahat ng mga aralin kahit na hindi niya naiintindihan ito. Pumapasok kse noon ang mga bata sa kolehiyo hindi upang matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila ang mga aklat, wala nang maaari pang hingin kaya’t nakapapasa sa pagtatapos ng taon.
Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marking aprobado sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, dahil nanalo ng malaki ang manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigyan siya nito ng malaking pabuya na agad naman niyang ibinili ng sapatos at sombrerong fieltro.
Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gurop niya ang isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral, may katamaran sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya ang mga aralin. Isang araw napag tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay may pagka-kulangkulang si Basilio kaya’t tinangka niyang patunayan ito as pamamagitan ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang problema nga lang nasagot ito ni basilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro ng guro, at nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na maaliw nga sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kaya’t sumagot ito na hayag ang hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag pang muli.
Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso itong isuko na ang pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakilang makata, at may maunlad na pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang mga mag-aaral, napaaway ito sa ilang kadete na humantong sa isang labo labo at hamunan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang mga sasali sa sagupaan sa darating na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na marka, at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang pagsisikap nagtamo siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din yon. Sa nakitang ito, inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal na nasa tugatog ng katanyagan noon.
Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propesor, ipinagmalaki sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga huradong Dominiko
Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na nakakapagtistis na si basilio ng mga bangkay kaya’t magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo ng Intsik na namatay sa sipili).
Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapanggagamot na, kaya naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siya rin ang magbibigay ng speech sa kanyang graduation



Kabanata 7: Simoun


Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.

History of Simoun:

Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya.

Kabanata 9: Ang mga Pilato

àNaipatalo ang kaso ng asundo na isinampa ni Tales
àLaging pinagdadasal ni Hermana Penchang si Juli at pinag nonobena
àLumuwas si Basilio ng Maynila para tubusin si Juli

Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan

-Hiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan ng mga alahas niya.
àKapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang –mga bisita noong gabi na namimili sa samut saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun.
- Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok
-Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios) si Tandang Selo ang dinakip
àKinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama, basag ang bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay ang asawa ng kasama na ginilitan ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi nito may pangalang Tales na isinulat sa dugo na matatagpuan.

Kabanata 11: Los Banos

-Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng trabaho.
-naglalaro sila ng baraha, sina Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral, nagpapatalo naman ang mga fraile.
- Panukala ukol sa armas: Pahintulutan ang pagbili ng lahat ng hindi sais milimetrong armas de salon
àTitser sa Tiani: mareklamo daw ito at dapat suspendihin. Lahat daw ng hihingi ng tulong ay sususpendihin sabi ng kapitan heneral.
-Proyekto ni Don Custodio: magkakaroon ng mga eskwelahan nang hindi gumagastos ng isang kusing ang pamahalaan kung gagamiting mga eskwelahan ang mga sabungan kahit lamagn Lunes hanggang Biyernes.
à Akademiya sa Wikang Kastila: sinabi ni Padre Sibyla na isa raw itong rebolusyon sa selyadong papel na ipinagtanggol naman ni Padre Fernandez (guro ni Isagani) at ni Padre Irene. Lumabas ang mga pangalan nila Makaraig, Isagani at Basilio sa usaping ito.
- Padre Camorra: Hindi daw dapat matuto ang mga indio ng Kastila sapagkat pag marunong na sila makikipagtalo na ito sa kanila. Dapat lamang sa mga Indio ay sumunod at magbayad. Hindi sila dapat makialam sa interpretasyon ng kung ano ang sinasabi ng mga batas at mga libro.
à Nalaman ni Padre Camorra ang ginawang pag petisyon ni Juli para sa paglaya ni tandang selo at tinulungan ito.

Kabanata 12: Placido Penitente

-Mga taga Ateneo – mabibilis lumakad, may hawak na aklat at kuwaderno, abala at iniiisip ang kani-kanilang mga leksyon, nakadamit ng parang europeo ang ilan.
-Letranista – nakadamit Filipino at higit na kaunti ang dalang aklat
-Juanito Pelaez – kaklase ni Placido na anak ng isang mestisong Espanyol na negosyante. Kaibigan ni Padre Camorra at kasama nitong nangharana noong bakasyon.
-Dumating ang karwahe ni Paulita Gomez, lahat ay natulala at nakatingin at namumutla si Isagani.
-Tadeo – bagamat lakwatsero at mahilig magpalusot na may sakit o di kaya’y may gagawin para hindi lamang maka pasok sa klase ay pumapasa at sinasabing mahal ng mga propesor
- Nahuli si Placido sa klase at nagdabog pa sa pagpasok kaya naman sinabi ng guro na magbabayad ito.

Kabanata 13: Klase sa Pisika

- Padre Millon –guro ni Placido noong umagang iyon; pinakakabisa ang lahat ng nsa libro.
-May natutulog sa klase na nahuli ng guro kaya naman inulan ito ng tanong at noong minsay sumabat si Juanito, napasa ito sa kanya at humingi ng tulong kay Placido. Nahuli ni Padre Millon na tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito ang tinanong ng tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido at sinabing walang karapatan ang pari na magsalita ng ganoon. Wala daw itong karapatang mang alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito ng klase.


Kabanata 14: Isang Bahay ng mg Estudyante
-Ito ang bahay ni Makaraig: malaki, maluwang at may dalawang palapag na entresuwelong may mga eleganteng rehas.
-Pinag-uusapan nila yung naging resulta nang petisyon nila kung nanalo ba si Padre Sibyla o si Padre Irene sa pagkuha ng panig ng kapitan heneral
- Pecson – pesimistiko; isang tabatsoy na may tawang sinluwag ng isang bungo—nagsasalita tungkol sa panlabas na impluwensya kung nasangguni nab a kay Obispo A, Padre B etc.
-Sandoval –peninsular at liberal; Nirerespeto ang mga Fraile at ang kapitan heneral
-Iniwan sa Comision Superior de Instuccion Primaria ang petisyon nila na pamumunuan ni Don Custodio
-Mga paraaan ng pagkumbinsi: ang bailarinang si Pepay o ang abogadong si Senyor Pasta (may burdadora). Pupuntahan daw muna ni Isagani itong si Senyor Pasta bago gawin ang Plan B.

Kabanata 15: Si Senyor Pasta
- Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang kanilang sitwasyon at ang naging reaksyon nito ay mapanganib daw ang ganyang uri ng mga petisyon, mas mabuting hayaan daw na gobyerno ang kumilos.

Kabanata 16: Mga Hapis ng Isang Tsino
- Naghahangad na magtatag ng isang konsulado para sa mga Intsik si Quiroga kaya naman nagdaos ito ng hapunan sa itaas ng kaniyang malaking bazaar sa Kalye Escolta.
-Pumayag ito sa kasunduan nila ni Simoun sapagkat sa dami ng utang nito, kapag pumayag siya sa gusto ni Simoun, ang 9,000 piso na utang nito ay magiging 7,000 na lang. Papayag lamang siya na ilagay sa bodega ang mga armas na kakailanganin ni Simoun.

Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo
-Tuwang tuwa si Padre Camorra sa dami ng mga nag gagandahang mga babae kaya naman nakukurot na niya si Ben Zayb.
àDumating si Paulita kasama si Donya Victorina. Nababalisa si Isagani sa dami ng nakatingin sa mga tao. Parang sa bawat pag titig ay nababawasan ang kagandahan ng kasintahan niya.
-Mr Leeds –may-ari ng palabas na kaibigan ni Simoun

Kabanata 18: Mga Panlilinlang
-Ninais na patunayan ni Ben zayb na optikal ilusyon lamang ang palabas na ulo. Sinabi niya na puro lamang ito salamin ngunit nang inspeksyunin ay walang nakita.
-nagtatago si Padre Irene: nag suot ng bigote
-Nagpakita si Imuthis (na nakaharap kay Padre Salvi) na isinilang daw sa panahon ng Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng mga Persas. ( similar ang kwento kay Ibarra kaya naman nasindak si Padre Salvi at nahibang sa takot.
Kinabukasan umalis na ng bansa si Mr Leeds patungong Hong Kong

Kabanata 19: Ang Mitsa
-Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito sa unibersidad.
- Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura
-Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon.

Kabanata 20: Ang Ponente
-Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo kilalang Buena Tinta ( “Mapagkakatiwalaan ang sasabihin”)
- Kilala sa mga ideya nito: tulad na lamang ng panukala nito sa Maynila na gumamit na ilawang de gaas kapalit ng ilawang langis ng niyog. Dahil dito, namatay ang industriya ng niyog at kung may kumita man, isang konsehal lamang ito.

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila

Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville”. Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kaya’t pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa “entrada general” ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian.
Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at kulot sa dulo na wari’y buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong “hongo de arte”. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi.
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran ni Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero, may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses.
Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isang pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang “ang hudyat ay isang putok” ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kaya’t hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.

Kabanata 22: Ang Palabas

Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita.
Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa “ayuntamiento”. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doña Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas.
Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang “cancan”.
Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doña Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo.

Kabanata 23: Isang Bangkay

Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan.

Kabanata 24: Mga Pangarap

Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez.
Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t isa.
Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doña Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito.


Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Ang mga kabataan ay nagtipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto”. Dito ay nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay marami raw lihim na nalalaman..
May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang “pansit lanlang” ay inialay nila kay Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay maraming sahog. Ang ikalaw ay ang “lumpiang intsik” na inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay ang “tortang alimango” na inialay naman nila sa nga prayle dahil daw sa kanilang “pagka-alimango”. Ang huli ay ang “pansit gisado” na inialay nila sa pamahalaan at bayan ng Pilipinas. Nararapat lamang daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw kilala sa Tsina ni sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi na ialay ito kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul. Ang ilan ay nais itong ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si Simoun. Dahil dito, ang mga kabataan ay nagkagulo kaya’t inatasan ni Macaraig si Tadeo na magtalumpati. Tinutulan naman ni Sandoval ang talumpati ni Tadeo sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng Puno ng kanilang Liceo ngunit nagpatuloy parin si Tadeo. Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa mga prayle na kung saan, ito raw ay kasa-kasama natin mula pagkabuhay hanggang pagkamatay sapagkat lahat daw ay pinamumunuan at pinanghahawakan nila.
Sa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw ay ang tauhan ng Vice-Rector.



Kabanata 26: PASQUINADAS

Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin ang kanyang lisensyatura sa Unibersidad at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari. Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio para sa kanyang kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.

Kabanata 27: ANG FRAILE AT ANG FILIPINO

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban sa mga frayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta pagnakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang sabihin niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad.
Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at moralidad ay dahil na rin sa kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang ‘pamahalaan’ bilang pananggalang nang kanyang maisip na natatalo na siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay maraming magandang plano para sa bayan ngunit hindi inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle, pati ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng karapatan dahil sa kamangmangan.
Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa gobyerno sibil.


Kabanata 28: TATAKOT

Sa kabanatang ito ipinakita ang iba’t ibang reaksyon at pagtanggap ng lipunan sa pagkakadisubre ng mga paskin na nagdulot na napalaking tension. May mga nag-uudyok sa Kapitan Heneral na ipapatay ang mga estudyanteng nahuli at magpasimula ng mga kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio.
Sa kabanatang ito rin ay nakita si Quiroga na pinuntahan si Simoun, Don Custodio at Ben-zayb upang itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang basar dahil na rin nga sa tension sa lipunan nila.
Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na sumiklab na ang rebolusyon na siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng lugar.
Ipinakita rin dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago. Namatay siyang nakahawak sa bisig ng Padre Irene, na nagulat at nakaladkad ang katawan ng namatay. Dito rin sinabi na nakapiit si Tadeo at Isagani.


Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO

Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing.
Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot.
Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kap. Tiago.

Kabanata 30: JULI

Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.
Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga tulisan) 


Kabanata 31
Ang Mataas na Empleado

Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.
Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino. Ang tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay. Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiyakna walang maghahabol.
Binigyan ng katwiran ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.
Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Empleado at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng mataas na empleado. Dahil ditto nagsisi ang Mataas na empleado sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng Kapitan Heneral.
Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot.
Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Empleado na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Empleado na kung malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan dahil ito ang tama at makatarungan.
Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado kung kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan n Mataas na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na “pagdating ng araw na magdeklara kayo ng independensiya,” nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na “alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan!”.
Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod na Koreo.

Kabanata 32
Mga Bunga ng Paskin

Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati.
Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong iba-ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli.
Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano ay dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at humingi ng palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao.
Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang pagdiriwang. Napabalita na din ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura, pangalawa ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si Simoun, at ang panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera.
Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw si Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya, pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa napag-aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya ni Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan namumuhay.
Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan. Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.

Kabanata 33
Ang Huling Katwiran

Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating.
Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak.
Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan.
Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio.
Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay.

Kabanata 34
Ang Kasal

Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng mga ilang gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niya ang bahay na puno ito ng mga palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya napagtanto na ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juanito Pelaez at isang babae na nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez? Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga, naawa siya kay Isagani.
Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din. Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng poot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan. Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay.
Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng mga santo pero pilit itong pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo. Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari sa Europa.
Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.

Kabanata 35
Ang Pagdiriwang

Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan. Nagsidatingan ang mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-tuwang daw nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong dumalo at ito ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari. May pumansin sa mga kromong nilagay ni Don Timoteo, hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang ang mga dingding ng bahay. Nagalit ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa Europa, napakamahal, at walang mabibiling ganun sa Maynila. Natigil nalang si Don Timoteo nang dumating ang Kapitan Heneral, nataranta siya kung ano ang gagawin, kung siya ba ang unang kakamay o hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral ang mga kamay nito sa kanya. Tinugtog ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral sapagkat ito ay aalis na. Napaisip siya sa pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na delikadesa muna bago ang lahat.
Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay. Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpilitan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil “tapos na ang pagtaya” o :”Alea Jecta Est”. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si Basilio. Matapos nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita.
Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na “Mane thecel phares” at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka sila ay lalasunin sa pagkain.
Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.

KABANATA 36
MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan. Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura, nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik sa kanya ang kanyang lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol sa nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot ni Ben Zayb at ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa isang anak na maganda at matapang na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos kung kaya’t wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang tinanggap na pwedeng isulat at malathala! Ang balita : “Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa dalawang libong piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-sira ang kamay sa paggamit ng isang silya bilang pananggol!”. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay “apatnapu o limampung tulisan sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta, pistola, leong nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang walang kaawa-awa…sampung libong piso…”. Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa narinig kung kaya’t pumunta sya sa pinangyarihan ng krimen at doon ay napag-alaman na si Padre Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa kamay at isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang at pawang itak ang ginamit, ang halagang ninakaw ay limampung piso! Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia sibil.

v Makikita natin si Ben Zayb na isang walang kwentang tao at nagpapanggap na matalino subalit hindi naman. Ipinapahiwatig dito ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga Espanol noong panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay napapaniwala ang mga indio. At makikita din natin na sa kabanatang ito unang nalaman ng mga maykapangyarihan na si Simoun ang ulo ng mga tulisan.



KABANATA 37
ANG HIWAGA

Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.


v Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa buong bayan (gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita din natin dito na may pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot na din siguro ng kahirapan dati kung kaya’t sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng kumakapit dito ang mga Pilipino.

KABANATA 38
KASAWIAN


Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si Mautang sa paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si Mautang at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang nakita sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan din iyon. At ginawa nga ni Carolino. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.


v Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano. Sila ay nagkahiwa-hiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan! Dahil sa paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan sila ng kabuhayan at nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si Tano ay nagdurusa sa kanyang trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling binanggit si Kabesang Tales at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.


KABANATA 39
ANG PAGTATAPOS

Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kaya’t hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o ano, kung kaya’t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbalik ay napansing nahihirapan si Simoun kung kaya’t kanyang tinanong at sinabi nito na “Opo, konti lang po…ngunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko!” At nalaman ni Padre Florentino na uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat Pasipiko.

v Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.